Lea Salonga, nagbigay-buhay sa classic Disney songs sa 20th anniversary ng HK Disneyland | News Light

📅

Naghatid ng mahika at nostalgia si Lea Salonga matapos niyang magtanghal sa ika-20 anibersaryong konsiyerto ng Hong Kong Disneyland.

Nagtanghal ang Filipina Tony Award winner sa harap ng Castle of Magical Dreams sa concert na pinamagatang “Disney Legend Live in Concert presents Lea Salonga,” tampok ang kahanga-hangang projections at pyrotechnic effects.

Sinamahan siya ng Hong Kong Philharmonic Orchestra, HKDL Band, at ilang Disney princesses na lalong nagpaespesyal sa gabi.

Itinuturing itong isang “full circle moment” para kay Salonga, na naging bahagi rin ng grand opening ng HKDL noong 2005.

ADVERTISEMENT

Matatandaang siya ay ginawaran bilang Disney Legend noong 2011 bilang boses ng mga karakter na sina Jasmine sa “Aladdin” at Fa Mulan sa “Mulan.”