Lea Salonga, inawit ang U.S. national anthem sa New York Yankees game

📅 June 18, 2025 12:25 PM PHT  |  ✏️ Updated June 18, 2025 06:34 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Good Vibes

Flex na flex talaga ang Pinoy power!

Inawit ni Tony award winner at Broadway star Lea Salonga ang “The Star-spangled Banner” sa New York Yankees game.

Ipinost ng Yankees sa kanilang social media ang video ng pag-awit ni Salonga.

Habang nagpasalamat naman sa Instagram si Salonga sa pag-imbita sa kanya.

Kamakailan lang ay naglakad din sa red carpet si Salonga kasama ang anak na si Nic sa 78th Tony awards kung saan isa siya sa mga awards presenters.