
Isa na namang Regional Level Most Wanted Person ang matagumpay na naaresto ng Tracker Team ng Cainta Municipal Police Station operasyon ng mga ito, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sto. Domingo, Cainta, Rizal.
Kinilala ang akusado na si alyas Bayas, 32-anyos, walang trabaho at residente ng Brgy. San Andres, Cainta.
Ayon sa Cainta PNP, nahaharap ang suspek sa kasong Rape matapos gahasain ang biktimang humingi lamang ng tulong sa kanya para hanapin ang live-in partner nitong tatlong araw nang nawawala.
Inalok nito ang biktima na magpahinga sa kanyang bahay at doon na isinagawa ang krimen.
ADVERTISEMENT
Samantala, pansamantalang nakakulong ang akusado sa kustodiya ng Cainta Municipal Police Station.



