
Patay ang isang lalaki sa Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal matapos makuryente sa loob ng kanilang bahay na nalubog sa baha sa kasagsagan ng bagyong Crising at Southwest Monsoon o habagat.
Ayon sa ulat, lumikas na ang biktima nang tumaas ang tubig-baha, ngunit bumalik agad sa kanilang bahay matapos mabalitaang may nangyayaring nakawan ng kable ng kuryente sa kanilang lugar.
Sa pagmamadali ng biktima, hindi nito napansin na may natuklap na live wire sa kanilang bahay at nakalubog sa tubig kaya agad itong nakuryente.
Sinubukan pa itong isalba ng kanyang kaanak at kapitbahay, subalit sa lakas ng boltahe ay hindi na nito nakayanan at tuluyang binawian ng buhay.
ADVERTISEMENT
Dahil dito, pinaaalalahanan ng awtoridad ang publiko na maging alerto at mag-ingat sa paglusong sa baha.



