Isinagawa ng isang environmental coalition group na Quezon for Environment (QUEEN) ang “Lakad Panaghoy para sa Sangnilikha” sa Quezon province na sinimulan noong ika-17 hanggang 19 ng Nobyembre kahapon.
Layunin ng grupo na ipanawagan ang Atimonan Coal Plant at Banahaw Wind Power na lubhang nakasisira sa kalikasan, partikular sa Quezon province, sa pangunguna ni Reverend Father Warren Puno.
ADVERTISEMENT
Sinimulan nila ang kanilang paglalakbay sa Mauban, at dinaanan pati ang Tayabas, Pagbilao, at Tayabas, at ang kanilang huling destinasyon ay Barangay Villa Ibaba, Atimonan, Quezon.
Ayon sa grupo, magpapahinga muna ito pansamantala ngunit hindi pa sila tapos, dahil ayon sa kanila, ito lamang ay isang simula ng kanilang paglalakbay upang ipanawagan na alagaan ang kalikasan upang alagaan din tayo nito sakaling mga kalamidad ay maranasan sa kanilang komunidad. (Austin Gonzaga/News Light)




