Natagpuan na ang lahat ng mga katawan ng nasawi sa pagguho ng isang dumpsite sa Barangay Binaliw sa Cebu City, ayon sa mga awtoridad.
Batay sa Bureau of Fire Protection Region 7–Cebu Fire Station, narekuper ang huling bangkay dakong alas-5:41 ng umaga kahapon.
Dahil dito, isinampa ang confirmed death toll sa bilang na 36.
Nakilala na ang lahat ng 36 na biktima, na pawang mga empleyado ng Prime Waste Solutions at ng apat nitong subcontractors, ayon kay Councilor Dave Tumulak, chair ng Disaster Risk Reduction and Management Council.
ADVERTISEMENT
Magugunitang naganap ang pagguho noong January 8 sa Binaliw Sanitary Landfill sa Barangay Binaliw, Cebu City, ganap na alas-4:17 ng hapon, na sinundan ng deklarasyon ng state of calamity.
Idineklara naman sa siyudad ang January 16 bilang araw ng pagluluksa para sa mga biktima ng insidente. (Denniel Salayo/News Light)



