La Loma, “ASF-free” na ayon sa QC LGU | News Light

📅 November 28, 2025 1:33 PM PHT
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Idineklara na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na ligtas na sa banta ng African swine fever (ASF) ang mga lechong baboy sa La Loma, Quezon City.

Ayon sa QC LGU, 14 na shops o establisimyentong nagbebenta ng lechon ang dineklara nang wala nang ASF sa kanilang lechunan.

Inatasan na rin ng lokal na pamahalaan ng QC na patuloy pa ring gawin ng mga lechunan ang sanitary, safety at health protocols.

ADVERTISEMENT

Ibig sabihin nito, makakasama ang mga lechong baboy sa bawat noche buena at iba pang mga selebrasyon ngayong holiday season.

Ngunit asahan ng mga suki sa La Loma na bahagyang makakaramdam ng pagtaas ng presyo bunsod ng dalawang linggong pagsasara nito noong November 13, kung saan ipinasara ang mga lechunan dahil sa kumakalat na ASF.

Ayon sa mga nagtitinda ng lechon sa La Loma, panawagan ng mga lechonero: sana maintindihan ng mga mamimili ang nawala sa kanilang kita dahil sa kanilang pansamantalang pagsasara. (Austin Gonzaga/News Light)