Tumawid na nga sa larangan ng palakasan ang isyu ng korapsyon sa bansa.
Sa halftime performance ng blue babble battalion ng Ateneo de Manila University sa UAAP Ateneo-UP men’s basketball game.
Nakasaad sa mga puting t-shirt ng squad ang mga katagang ‘kurakot ikulong’ para umalma sa mga nagaganap na nakawan at pandarambong ng ilang mga pulitiko at ahensya sa bansa.
Samantala “hindi lang labanan sa sayaw kundi laban din para sa bayan.
‘Yan naman ang mensahe ng up varsity pep squad sa tema ng kanilang performance.
ADVERTISEMENT
Kasabay ng pagsigaw ng chant na ‘ikulong na ‘yan, mga kurakot’ sa kanilang sayaw.
Layon ng mga naturang unibersidad na gamitin ang platform ng uaap para ipakalat ang kamalayan sa mas malawak na audience hinggil sa nagaganap na korapsyon manawagan ng pagkilos sa pakikiisa laban sa pandarambong panagutin ang mga korap at matalinong pagpili ng tamang lider sa hinaharap.



