Kulungan ng baboy at plastic bag, ginawang silungan ng mga residenteng apektado ng lindol sa Cebu | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Pangamba at takot sa posibilidad ng mga aftershocks ang nagtutulak sa mga residenteng huwag na munang bumalik sa kanilang mga tahanan.

Ito ay matapos magtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng mahigit 3,000 aftershocks matapos yumanig ang 6.9 magnitude na lindol sa Northern Cebu noong gabi ng September 30.

Bukod sa pagkawala ng kabuhayan at pagkamatay ng ilang mahal sa buhay, isa sa malaking suliranin ng mga nasalanta ang tuluyang masisilungan.

Gaya ng isang pamilya sa bayan ng San Remigio na napilitang matulog sa kulungan ng baboy dahil wala na silang mapuntahan.

ADVERTISEMENT

Samantala, may mga residente namang nanuluyan sa kalsada at napilitang balutin ang kanilang sarili ng malalaking plastic bags upang makaiwas sa malalakas na buhos ng ulan.

Patuloy ang pagtataya ng mga awtoridad sa lawak ng pinsala habang naghihintay naman ng agarang tulong ang mga nasalanta. (Pink Feliciano/ News Light)