Kris Aquino, nagpasalamat sa mga supporter matapos ang matagumpay na operasyon

📅

Fighting and thriving!

Looking and feeling good ngayon ang “Queen of all media” na si Kris Aquino matapos ang kaniyang matagumpay na operasyon.

Sa kaniyang instagram post, ibinahagi ni Aquino ang litrato kasama ang kaniyang dalawang anak na sina Bimby at Josh.

Habang hawak ang kamay ng kaniyang mga anak sinabi niyang marami na silang pinagdaanan pero patuloy ang tapang at laban dahil na rin sa dami ng dasal at suportang kaniyang nakukuha.

ADVERTISEMENT

Inulan naman ng pagbati at patuloy na suporta ang bagong milestone na ito sa kaniyang kalusugan hindi lang mula sa fans kundi pati sa kaniyang mga kaibigan sa industriya gaya nina Coney Reyes, Melai Cantiveros-Francisco at Camille Prats.

Tuloy ang tapang, Kris!