Korte Suprema, ipinababalik ang ₱60-B excess funds sa PhilHealth | News Light

📅

Ipinag-utos ng Korte Suprema ang pagbabalik ng ₱60 bilyong excess funds sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Matatandaan na ipinag-utos ng Department of Finance (DOF) noong 2024 na i-transfer ang P89.9 bilyong pondo sa National Treasury.

Bilang pagsunod, ibinigay ng PhilHealth ang P60 bilyon, ngunit naghain ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema sa paglilipat ng natitirang P29 bilyon.

Sa desisyon ng Korte Suprema nitong December 3, nakita bilang paglabag sa Universal Health Care Act ang naturang utos.

ADVERTISEMENT

Dahil dito, kailangang ibalik sa PhilHealth ang P60 bilyong inililipat sa National Treasury at tuluyang ipinagpatigil ang paglilipat ng natitirang P29 bilyong fund balance.