Two cultures, one kitchen, delicious dishes!
Time-out muna sa aktingan dahil on the game nang makipaglutuan sa mga pinoy ang Korean actor na si Ji Chang-Wook.
Ibinahagi ni chef JP anglo sa social media ang video nang kanilang binuong reality cooking show kasama pa ang ilang pinay stars gaya nina Jodi Sta. Maria, Francine Diaz, Janella Salvador, at Arci Munoz.
Ayon kay chef, ang challenge, pitong araw silang nagtake-over sa isang Filipino restaurant sa South Korea.
Makikita rin sa ibinahaging video nito ang mismong pagtulong ni Wook sa pagluluto ng classic pinoy dish na lechong baboy.
ADVERTISEMENT
Habang nagpa-sample naman ng awitin si Janella Salvador sa mga Korean customer, na sarap na sarap sa pagkaing kanilang inihanda.
Enjoy din ang Pinoy artists sa oportunidad na pagsamahin ang kulturang banyaga at pinoy sa iisang show.
Mapapanood na ang exciting at nakakagutom reality cooking show soon!



