Aprubado na ng Economy and Development Council ang pagpapalawig ng kontrata ng Maynilad at Manila Water hanggang taong 2047.
Pinamunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kauna-unahang pulong ng council nitong Miyerkules, June 18. kung saan inaprubahan ang hiling ng MWSS na palawigin ang concession agreements ng dalawang water providers.
Mula sa orihinal na 2037, palalawigin ito hanggang Enero 2047.
Ayon sa Department of Economy Planning and Development, inaasahang mapapabilis nito ang investments, mapapababa ang presyo ng singil at masisiguro ang suplay ng tubig sa mahabang panahon.
Inaasahan namang makadaragdag ito ng higit P50.3-billion sa revenue ng pamahalaan.