Konstruksyon sa terminal ng Siargao Airport, sinimulan na

📅

Sinimulan na ngayong araw ang konstruksyon ng bagong passenger terminal building sa Siargao Airport.

Layon ng konstruksyon na pagandahin ang paliparan at bigyan ng kumportableng biyahe

ang mga lokal at dayuhang dadayo sa pamosong surfing capital ng bansa.

Mula sa kasalukuyang kapasidad na 200 sa pre departure area kayang tumanggap ng bagong terminal ng hanggang 750 pasahero kada araw.

ADVERTISEMENT

Target ng Department of Transportation na makumpleto ang expansion project sa loob ng walong buwan.