Tinitignan ng House Committee on Social Service ang dagdag na sahod para sa mga social workers.
Sa pagdinig ng House sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), napag-usapan ang ilang panukalang batas na aamyendahan ang Magna Carta for Public Social Workers.
Pinadadagdagan ng mga bills ang entry-level salaries ng mga social workers mula Salary Grade 13 hanggang Salary Grade 15, o mula higit ₱30,000 papuntang ₱40,000. Kasama na rin dito ang pagbibigay ng permanenteng municipal social welfare position na pangungunahan ng lisensyadong social worker.
Nililimitahan lamang ng kasalukuyang sistema sa provincial at city Social Work and Development head lamang ang dapat na accredited social workers, kaya mahihikayat umano ang kabataang magtrabaho sa social work dahil sa lehislasyong ito, ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian. (Denniel Salayo/News Light)



