Humiling si Veronica “Kitty” Duterte na agad resolbahin ng Korte Suprema ang kaniyang petisyon para sa agarang pagpapabalik kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Salvador Panelo, Jr., naghain siya ng urgent motion upang atasan ang mga opisyal ng gobyerno na ayusin ang pagbalik ng dating Pangulo.
Giit ng mosyon, delikado ang “matagal na pananahimik” ng Korte Suprema sa mga petisyong tumutuligsa sa pag-aresto at paglipat ni Duterte sa International Criminal Court (ICC), lalo na’t iniulat na mayroon ding arrest warrant laban kay Sen. Ronald Dela Rosa.
ADVERTISEMENT
Binigyang-diin ni Panelo na posibleng maulit ang nangyari noong March 11 at posibleng lumala ang kondisyon ng dating Pangulo kung hindi agad kikilos ang korte.
Nanawagan din sila na papanagutin ang mga umano’y responsable sa “illegal abduction” at tiyaking hindi na mauulit ang paglabag sa karapatang pantao at due process.




