May bagong milestone na namang naitala ang Kings of P-pop SB19 sa larangan ng global music industry.
Successful kasi ang kanilang first ever CD signing na ginanap sa iconic tower records sa Shibuya, Japan.
Para sa kanilang ‘Simula at Wakas’ album, na nakatakdang i-release sa Oktubre.
Sa X post na ibinahagi ng International Sony Music, makikitang all smiles ang SB19 na humarap sa kanilang fans sa Japan.
ADVERTISEMENT
Kitang kita naman ang saya ng mga Japanese fans na matiyagang pumila sa cd and fan signing ng kanilang P-pop idol.



