Kim Chiu, nagpaabot ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Cebu

📅 October 6, 2025 12:01 PM PHT  |  ✏️ Updated October 6, 2025 12:56 PM PHT

Personal na nagpaabot ng tulong ang TV host- actress na si Kim Chiu sa mga biktima ng magnitude 6.9 na lindol sa probinsya ng Cebu.

Sa kabila ng abalang taping schedule, namataan si Kim na bumili ng construction materials para sa mga residente ng Bogo City at San Remigio.

Sa mga larawang kumalat sa social media makikita ring ang dalawang 10-wheeler truck na puno ng mga construction materials.

ADVERTISEMENT

Tiniyak ng aktres na maipapamahagi ang mga naturang materyales sa mga pinakaapektadong lugar para makatulong sa agarang rehabilitasyon ng mga nasirang bahay.

Umani naman ng papuri mula sa publiko ang pagtulong ni Kim sa mga nasalanta.