Kiko Pangilinan, ibinahagi ang ‘prophesy’ sa kanya ni Bro. Eddie Villanueva bago ang halalan

๐Ÿ“…
๐Ÿ‘ค Jomar Villanueva  |  ๐Ÿ“‚ News Light, Latest News

“I sense a glorious outcome.”

Ito ang mga salitang binitawan ni Jesus Is Lord Church Worldwide President and Spiritual Director Bro. Eddie Villanueva kay senatorial candidate Kiko Pangilinan.

Sa panayam ng programang Bangon na Pilipinas sa Light TV Radio, ibinahagi ni Pangilinan na naging magaan ang kanyang pakiramdam matapos siyang ipanalangin ni Bro. Eddie.

“Pagkatapos niyang mag-pray over, naging magaan ang aking pakiramdam. Maliwanag. I’ll never forget anong sinabi ni Pastor Bro. Eddie. Sabi niya, ‘I sense a glorious outcome,'” ayon kay Pangilinan.

ADVERTISEMENT

Nagtaka rito ang senatorial candidate โ€” lalo’t mababa ang kanyang ranking sa mga lumitaw na survey noong campaign season.

“Sa loob-loob ko, paano magiging glorious yung outcome, number 17 ako sa [mga survey]. Sabi ko, milagro lang. And true enough, [Bro. Eddie] was correct, yung kanyang prophesy,” aniya.

Hindi inasahan ni Pangilinan na magiging panglima siya sa mga senatorial candidate na may pinakamaraming boto sa halalan. Kaliwa’t kanan din kasi ang mga disinformation laban sa kanya sa iba’t ibang social media platforms.

ADVERTISEMENT

“Walang tigil ang mga meme, spliced video para tayo ay siraan,” ayon kay Pangilinan. Kaya itinuturing niyang “milagro” ang resulta ng botohan.

“Wala kami sa malalaking ticket, so wala kaming malaking makinarya. Tapos kulang ang postering. It was a real battle from day one,” aniya.

Pero hindi nawalan ng pag-asa si Pangilinan. Aniya, ipinagkatiwala niya sa Diyos ang laban niya bilang senador.

ADVERTISEMENT

“Malaking bagay yung naging endorsement ng JIL. Makakaasa kayo na yung ating mga adbokasiya na ipinangako sa taumbayan, mananatili tayong tapat,” ayon kay Pangilinan.

Samantala, naniniwala si Pangilinan na kung matutugunan ang problema sa supply ng bigas sa bansa, hindi malabong tataas din ang ekonomiya.

“Mataas ang presyo ng bigas ngayon. Kaya pang pababain yan. Bubusisiin natin ng husto yan. At makikipagtulungan tayo sa Executive Department para matugunan,” aniya.

ADVERTISEMENT

Nananatili sa ikalimang puwesto si Pangilinan na may 15,088,033 votes, ayon sa partial and unofficial count ng Commission on Elections.