Bahagyang bumaba ang unemployment rate noong Setyembre ngayong taon mula 3.9 percent na naging 3.8 percent na lang, ayon sa Philippine Statistics Authority kahapon, November 6.
Kung susumahin, ang dating 1.89 million na mga walang trabaho noong Setyembre nang nakaraang taon, ay nasa 1.96 million na lamang.
ADVERTISEMENT
Ang employment rate naman sa ngayon ay nasa 96.2 porsyento, katumbas ng 49.6 milyong Pinoy ang nakakapaghanapbuhay. 61.3 dito ay nasa sektor ng serbisyo, 20.9 percent sa agrikultura, at 17.8 percent sa industriya.
Paliwanag ng Department of Economy, Planning and Development (DEPDEV), kailangang mahasa ang mga Pilipino pagdating sa digital literacy, green technologies at higher-value services para lumakas at tumibay ang ating labor markets. (Denniel Salayo/ News Light)




