
Inilunsad kamakailan ng Meralco PowerGen Corp., ang 80-megawatt solar power plant sa Baras, Rizal—ang kauna-unahang solar farm sa lalawigan.
Ayon kay Mr. Dennis Jordan, Presidente ng MGen Renewable Energy Inc., ang proyektong ito ay bahagi ng layunin ng kompanya na makatulong sa mga komunidad, protektahan ang kalikasan, at suportahan ang clean energy goals ng bansa.
Inaasahang makakapagbigay ito ng kuryente sa mahigit 154,000 kabahayan.
Bukod sa supply ng kuryente, nakalikha rin ito ng trabaho para sa higit 1,600 lokal na manggagawa, kabilang ang 300 kababaihan sa Rizal Province.
ADVERTISEMENT



