Kasabay ng pagdiriwang ngayong buwan ng wika, ganap ng binuksan sa publiko ang kauna-unahang Community Library na Book Nook sa loob ng isang mall sa Quezon City.
Layunin ng programa na mag-enganyo, hindi lang ng mga kabataan kundi ang lahat na magbasa magkaroon ng dagdag kaalaman, makabuo ng imahinasyon at malayang tumuklas ng bagong mundo.
Makikita rin dito ang ibat-ibang klase ng libro na hanap niyo na pwede niyong mabasa ng free. Pwede rin maki-swap o di kaya’y mag-donate.
Ito na ngayon ang ikatlong branch ng naturang community library sa Metro Manila.



