Binuksan na ang Katipunan Service Road ngayong araw, matapos mahulog ang isang side panel ng electronic billboard kahapon habang nanalasa ang bagyong Uwan.
Natamaan ang isang motorsiklo kung saan ang rider at angkas nito ay sugatan, natamaan rin ang isang sasakyan ng parte ng side panel.
Nangyari ito ng alas-nueve ng umaga at isinara kaagad ang Katipunan Service Road na nagdulot ng mabigat na trapiko kahapon.
Ngunit ayon sa report ng Metro Manila Development Authority (MMDA), binuksan na rin ang Katipunan Service Road kagabi at maaari na muling daanan ito ngayong araw.
ADVERTISEMENT
Nilagyan na rin ng mga harang malapit sa parte ng nahulog na side panel ng billboard at may mga safety nets na rin ito ngayong araw. (Austin Gonzaga/News Light)



