Kasong malversation at plunder, posibleng isampa vs. ex-Sen. Revilla — Ombudsman | News Light

📅

Planong sampahan ng kasong korapsyon at pandarambong ng Office of the Ombudsman si dating senador Bong Revilla Jr., alinsunod sa reklamong inirekomenda ng Independent Infrastructure Commission (ICI) laban sa kanya at sampung iba pa.

Ani Ombudsman Jesus Crispin Remulla, may sapat umanong ebidensyang nagpapatunay ng kaugnayan ni Revilla sa isyu ng flood control nina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) undersecretary Roberto Bernardo at dating District Engineer Henry Alcantara.

Nauna nang ikinanta ni Bernardo ang ipinadalang ₱125 million at hiwalay pang ₱5 million sa bahay ni Revilla noong Disyembre 2024

Bukod pa rito, inutusan umano niya ang tauhan na magpadala pa ng ₱250 million bago ang simula ng eleksyon ngayong taon.

Itinanggi ni Revilla ang kinalaman niya sa kontrobersiya, ngunit haharapin umano niya ito at hindi tatakbuhan.

Kaugnay naman niyan, posible umanong makasuhan sa susunod na linggo sina Senador Chiz Escudero, Mark Villar at dating senador Nancy Binay at Grace Poe na tumanggap umano ng kickback mula sa DPWH.

ADVERTISEMENT

Ang mga kasong ito ay bunsod pa rin ng rekomendasyon mula sa ICI.

Ani Remulla, hindi ito minamadali ng kanyang opisina.

Itinanggi na ng mga nabanggit na senador ang koneksyon nila sa anomalya. (Denniel Salayo/News Light)