Kaso ng HIV sa bansa, tumaas; national emergency, nais ipanukala ng DOH | News Light

๐Ÿ“… June 4, 2025 01:57 PM PHT  |  โœ๏ธ Updated June 4, 2025 01:57 PM PHT
๐Ÿ‘ค Giselle Crazo  |  ๐Ÿ“‚ Balitang Pangkalusugan, Latest News, News Light

Nais ipanukala ng Department of Health (DOH) ang pagdeklara ng national public health emergency matapos maitala ang pagtaas ng kaso ng Human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa.

Sa ilalim ng Konstitusyon, tanging ang Pangulo lamang ang may kapangyarihang magdeklara ng national public health emergency.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, nasa humigit-kumulang 6,700 ang bagong kasong naitala mula Enero hanggang Abril ngayong taon, 44% na mas mataas ito kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Habang umabot na sa 150,400 ang total confirmed HIV cases sa bansa, na karamihan ay nasa edad 15 hanggang 34, kabilang na ang pinakabatang biktima na 12-anyos mula sa Palawan.

Dahil dito, ang Pilipinas na ang may pinakamabilis na pagtaas ng HIV cases sa Western Pacific region.

Mula 21 daily cases noong 2014, umabot ito sa 48 noong 2024, at ngayong taon ay 56 na araw-araw.

Samantala, nagpaalala ang DOH sa mga sexually-active individuals na ugaliin ang safe sex, proteksyon, at pag-iwas sa casual sex bilang pag-iingat.