Magpapatayo ang administrasyong Marcos ng bagong tulay na mas mahaba at katabi ng kasalukuyang San Juanico Bridge, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, bahagi ito ng flagship projects ng pamahalaan at popondohan ng Japanese government.
May habang 2.6 kilometro, kasalukuyang nasa yugto ng detailed engineering design ang bagong tulay, na inaasahang matatapos sa 2026.
Kasabay nito, isinasagawa na rin ang pagkukumpuni sa mga bahagi ng San Juanico Bridge.
Bilang pansamantalang hakbang, libre ang shuttle service para sa mga pasaherong kailangang tumawid sa tulay habang limitado lamang sa tatlong tonelada ang bigat ng sasakyang pinapadaan.