Kanlaon volcano, muling nagbuga ng abo

📅

Muling nagbuga ng abo ang Kanlaon volcano sa Negros Island pasado 5 a.m. ng Miyerkules.

Umabot sa 600 metro ang abo na tumagos sa Bagong City, Negros Occidental.

Ayon sa Phivolcs, nasa alert level 2 pa rin ang bulkan habang nasa yugto ng “degassing” o paglabas ng gas at pressure.

Nakapagtala naman ng pitong volcanic earthquakes at humigit 1,200 tonelada ng sulfur dioxide sa nakalipas na 24 oras.

ADVERTISEMENT

Matatandaang huling pumutok ang kanlaon noong May 13.

Pinapayuhan naman ang publiko at mga eroplano na iwasan ang 4-kilometer permanent danger zone sa paligid ng bulkan.