Umaapela ngayon ang kampo ni dating Pang. Rodrigo Duterte sa International Criminal Court na baligtarin ang desisyon na nagpapatibay sa jurisdiction ng korte laban sa kanya.
Sa 4-page na notice of appeal na isinumite ngayong October 28, igiiniit ng panig ni Duterte na walang batayang legal ang pagpapatuloy ng mga proseso at hiniling din ang agaran at walang kondisyong pagpapalaya o unconditional release ng dating pangulo.
Nauna nang ibinasura ng ICC pre-trial chamber ang apela ng depensa na kuwestiyunin ang jurisdiction ng korte at i-postpone ang paglabas ng desisyon.
Matatandaang nauugnay ang kaso ng dating pangulo sa halos limampung insidente ng pagpatay at tangkang pagpatay sa Davao City noong siya ang pangulo maging ang kontrobersiyal na war on drugs.
ADVERTISEMENT
Kasalukuyang nakadetine si Duterte sa hague penitentiary institution habang hinihintay ang desisyon ng ICC appeals chamber sa kanyang apela.



