Kampo ng isa sa idinadawit na pulis sa kaso ng nawawalang sabungero, umaapelang ilabas ang affidavits

📅  |  ✏️ Updated

Umaapela sa Criminal Investigation and Detection Group ang kampo ni Police Senior Master Sargent. Joey Encarnacion – isa sa mga idinadawit na pulis sa kaso ng mga nawawalang sabungero na ilabas ang mga affidavits ukol sa reklamo.

Partikular na hinihingi ng abogado ni Encarnacion ang salaysay ng labindalawang dating tauhan ng selfconfessed whistleblower na si Julie Patidongan.

Nakakaalarma para sa kampo ang pagkabigo umano ng CIDG na isumite sa Department of Justice ang kopya ng affidavit. Gayunpaman ayon sa DOJ, kung sakali ay kaunti ang bigat ng affidavits na ito dahil iniaalok ito mismo ng depensa sa kaso.

Wala pang kumento ang CIDG sa isyu.