Kampanya kontra korapsyon, mas pinalawig sa Pasig City | News Light

📅

Mas palalawigin pa ng lokal na pamahalaan ng Pasig City ang kampanya nito kontra korapsyon sa bawat barangay.

Sa kanyang State of the City Address nitong Lunes, October 13, sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na aayusin muna ng lokal na pamahalaan ang sarili nitong bakuran.

Ibig sabihin, mas pagtutuunan ng pansin ng Pasig City na wakasan ang korapsyon sa barangay level.

Sinabi ito ni Sotto matapos ang aniya’y pahayag ng ilang opisyal sa lungsod na malakas sila kay Commission on Audit Commissioner Mario Lipana.

Mababatid na sangkot si Lipana sa maanomalyang flood control projects.

ADVERTISEMENT

Lumalabas kasi na ang asawa ni Lipana ay isa palang kontratista ng pamahalaan.

Hinamon ni Sotto ang mga barangay official pati ang mga Sangguniang Kabataan na tanungin ang sarili kung tumutulong sa pagpapatupad ng good governance.