Kamara, sinuspindi ang sesyon sa gitna ng isyu sa Speakership VS. coup d’état kay Romualdez

📅

Sinuspindi ng Kamara ang sesyon ngayong Martes, sa gitna ng mga usaping patatalsikin sa puwesto si House Speaker Martin Romualdez.

Inihayag ni Deputy Majority Leader Zia Alonto Adiong ang mosyon na itigil muna ang sesyon hanggang September 17, 3 P.M.

Wala namang tumutol at agad itinigil ang sesyon makalipas lamang ang halos kalahating oras.

Matatandaang umiinit ang speakership issue dahil sa mga balitang papalit sa puwesto si Isabela Rep. Faustino Dy III.

ADVERTISEMENT

Kasapi ng Partido Federal ng Pilipinas ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. pinsan naman ni PBBM si Romualdez at Pangulo ng Lakas CMD na may mahigit 100 miyembro sa kamara.

Ayaw naman muna magbigay ng komento ang panig ni Dy, habang kaliwa’t kanang isyu ang ibinabato kay Romualdez kabilang na ang pagkakadawit sa mga flood control project.