Approved sa Special Committee on Senior Citizens ng House of Representatives kahapon ang substitute bill na layong isama ang lahat ng senior citizens sa probisyon ng social pensions at hindi na exempted pa ang mga miyembro ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS).
Sa pahayag ni Marikina 2nd District Rep. Miro Quimbo, ang Universal Social Pension for Senior Citizens Act ay nais amyendahan ang naunang Republic Act No. 7432 o ang Senior Citizens Act.
Sa ilalim umano nito, may buwanang monetary grant na ₱1,000 ang mga senior citizens, indigent man o hindi, para sa medikal at pang araw-araw na pangangailangan nang hindi sakop pa ng kontribusyon.
Dapat ring ikonsulta ng Department of Social Welfare and Development sa Department of Budget and Management at iba pang stakeholders sa posibleng adjustment ng pensyon dalawang taon matapos ang implementasyon.
ADVERTISEMENT
Noong 19th Congress pa lamang, inaprobahan na sa huling reading ang panukalang House Bill No. 10423 o ang Universal Social Pension na iniimplementa ang pagbibigay ng hindi bababa sa P 1,000 buwan-buwan, ngunit hindi na napirmahan ng Presidente bago matapos ang sesyon. (Denniel Salayo/News Light)



