Kable ng CCTV cameras ng MMDA sa EDSA-Guadalupe footbridge, ninakaw ng ilang kalalakihan

📅 June 27, 2025 11:13 AM PHT  |  ✏️ Updated June 27, 2025 11:13 AM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

Ninakaw ng limang lalaki ang kable ng mga bagong installed na CCTV cameras ng MMDA sa EDSA Guadalupe footbridge sa Makati City.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, ito ay ang mga camera na ginagamit sa no-contact apprehension policy o NCAP.

Nakipag-ugnayan na ang MMDA sa pulisya para madakip ng mga nasa likod ng pagnanakaw—na sapul sa isang CCTV footage pero hindi ito gaanong maaninag dahil malabo ang video.

Samantala, nakatakdang magdagdag ng 1 thousand 200 CCTV cameras ang MMDA para mapalawak pa ang coverage ng naturang polisiya.