Kable ng CCTV cameras ng MMDA sa EDSA-Guadalupe footbridge, ninakaw ng ilang kalalakihan | News Light

📅 June 27, 2025 01:38 PM PHT  |  ✏️ Updated June 27, 2025 01:38 PM PHT
👤 Ace Cruz  |  📂 Abiso Trapiko, Latest News, News Light

Ninakaw ng limang lalaki ang kable ng mga bagong installed na CCTV cameras ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa EDSA Guadalupe footbridge sa Makati City.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, ito ’yung mga camera na ginagamit sa No-Contact Apprehension Policy (NCAP).

Nakipag-ugnayan na ang MMDA sa pulisya para sa ikadadakip ng mga nasa likod ng pagnanakaw—na sapul sa isang CCTV footage pero hindi ito gaanong maaninag dahil malabo ang video.

Samantala, nakatakdang magdagdag ng 1,200 CCTV cameras ang MMDA para mapalawak pa ang coverage ng naturang polisiya.