Kabataang grupo, nagbabala sa posibleng pang-aabuso sa pagbabawala ng face coverings sa Maynila | News Light

📅 November 24, 2025 1:35 PM PHT
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Pinangangambahan ng grupong Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) ang ordinansang ipinagbabawal ang mga balaclava at iba pang pantakip sa mukha sa mga opisina ng gobyerno at commercial establishments sa Maynila.

Sa nasabing ordinansa, ipinatatanggal ang mga balaclava, face mask at helmet sa pagpasok ng mga rider at pasahero sa mga establishments at sa pagbaba ng sasakyan. Bawal na rin ang mga cap at hoodies sa nabanggit na mga lugar.

Ang hakbang na ito ay upang mapadali makilala ang mga suspek.

ADVERTISEMENT

Ngunit ayon sa SPARK, mababaw ang dahilan nito ni Manila Mayor Isko Moreno at maituturing umanong pang-aabuso at pangha-harass; paglabag din umano nito sa basic rights at pagki-kriminalisa ng basic activities ng mga mamamayan sa Maynila.

Samantala, may multa na ₱1,000 sa unang offense at ₱5,000 fine na may kasamang pagkakakulong ng 15 araw at pagbawi ng driver’s license ang parusa sa paglabag sa Anti-Balaclava Ordinance. (Denniel Salayo/News Light)