Muling kinuwestyon ng Kabataan partylist ang K-12 program sa gitna ng pagdiriwang ng kapanganakan ni Dr. Jose Rizal ngayong Huwebes, June 19.
Ayon kay Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, dapat nang tuldukan ang programa na anila’y palpak at pasanin sa mga estudyante at magulang.
Aniya nararapat na ayusin na lang ang curriculum para maayos ang trabahong maihahain sa mga graduate.
Matatandaang mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nagsabi na bigo ang K-12 sa layuning ihain ang mga estudyante sa mga kasanayang kailangan para makahanap ng trabaho.
Habang nasa kongreso pa rin ang desisyon kung aalisin ang K-12.