Kabataan Party-list, kinondena ang ‘state harassment’ sa mga kabataang lumahok sa protesta

📅

Kinondena ng Kabataan Party-list ang anila’y state harassment matapos makatanggap ng subpoena ang ilang kabataang lumahok sa protesta noong September 21.

Ayon kay Rep. Renee Co, kabilang sa mga ipinatawag ng PNP CIDG ang mga miyembro ng kalayaan kontra korapsyon at alyansa ng kabataang mamamahayag kung saan wala na nga raw malalim na dahilan mali-mali pa aniya ang detalye ng subpoena.

Layon lamang daw ng mga taktikang ito ng pnp na takutin ang mga kabataang lumalaban sa korapsyon.

Samantala, kinumpirma ng PNP CIDG na apat na indibidwal ang naisyuan ng subpoena dahil sa umano’y mga paglabag sa naganap na rally lalo’t may mga naganap na kaguluhan at krimen, kaya isinasagawa ang imbestigasyon.

ADVERTISEMENT

Pero, maghahain lamang ng pormal na reklamo ang ahensya kung may ebidensiyang magpapatunay ng paglabag.