Justice Usec. Andres, inendorso ng DOJ bilang bagong NBI Chief

📅

Inendorso ng Department of Justice si Justice Usec. Jesse Andres bilang bagong hepe ng National Bureau of Investigation kasunod ng biglaang pagbibitiw ni NBI Chief. Jaime Santiago.

Ayon kay Justice Spokesperson Asst. Sec. Mico Clavano, kailangang panatilihin ang operasyon ng NBI, sa gitna ng sandamakmak na isyung kinahaharap ng ahensya laban sa mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGO,at iba pa.

Surpresang nagbitiw si Santiago sa kanyang pwesto nitong weekend dahil sa umano’y planadong hakbang upang sirain ang kanyang reputasyon.

Maging ang DOJ ay aminadong ikinagulat ang biglaan at irrevocable resignation ni Santiago sa gitna ng kanyang magandang track record.