Justice Sec. Remulla at 4 pang opisyal, nais paimbestigahan ni Sen. Marcos sa Ombudsman dahil sa pag-aresto ng ICC kay FPRRD

📅
👤 Ace Cruz  |  📂 News Light, Latest News

Nais paimbestigahan ni Senador Imee Marcos sa Ombudsman si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at apat pang opisyal ng gobyerno dahil sa umano’y pakikipagsabwatan sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, batay sa panibagong findings ng Senate Committee on Foreign Relations.

Ayon pa sa senadora, nagpapakawala umano ng diversionary tactics ang administrasyon upang ilihis ang atensyon ng publiko.