Justice chief Crispin Remulla, iginiit na paraan lamang ni Davao City Mayor Baste Duterte ang paghahain ng kidnapping case para harangan ang kanyang aplikasyon sa Ombudsman

📅

Ibinasura ni Justice chief Jesus Crispin Remulla ang mga kasong kriminal at administratibo na inihain laban sa kanya ni Davao City acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa Office of the Deputy Ombudsman for Mindanao.

Kaugnay ito sa pagkakaaresto kay dating Pang. Rodrigo Duterte noong March 11 at paglipat sa jurisdiction ng International Criminal Court.

Kasama sa mga idinemanda ang kanyang kapatid na si Interior chief Jonvic Remulla at ilang opisyal ng gobyerno.

Laman ng reklamo ang mga kasong kidnapping, arbitrary detention, at serious dishonesty.

Giit ni Remulla, paraan lamang ang mga kaso na naglalayong pigilan ang kanyang aplikasyon sa Ombudsman.

ADVERTISEMENT

May kahalintulad na reklamo rin laban sa kanya na nakabimbin sa manila na inihain naman ni Sen. Imee Marcos.

Aminado si Remulla na hindi pa siya nakakakuha ng clearance mula sa Ombudsman na isa sa mga requirement ng judicial and bar council dahil sa mosyon ng kampo ni Marcos.