Hot topic ngayon sa social media ang hiwalayang Julia Barretto at Gerald Anderson.
Kumpirmado mismo yan ng kapamilya talent agency na Star Magic ngayong Huwebes, September 18.
Sa naturang statement, diretsahan ang kumpirmasyon ng agency na hiwalay na nga ang dalawa matapos ang mahigit limang taong relasyon.
Hiniling din nito sa publiko na respetuhin ang desisyon nina Julia at Gerald at iwasang magkalat ng maling impormasyon hinggil sa isyu.
Nag-ugat umano ang hiwalayan sa gitna ng intrigang may kanya-kanya na umano silang bagong karelasyon.
ADVERTISEMENT
Matapos ma-link ang aktor sa volleyball player na si Vanie Gandler habang si Julia naman sa businessman na si Lucas Lorenzo.
Umani naman ng iba-ibang reaksyon sa netizens ang sumabog na update na ito.
Wala pang pahayag sina Gerald at Julia hinggil sa isyu ng kanilang paghihiwalay.



