It’s her golden hour!
Pasok na ang fil-am singer na si Jessica Sanchez sa finale round ng America’s Got Talent 2025 matapos ang kaniyang heart-warming performance ng “golden hour” ng singer na si Jake sa semi-finals ng kompetisyon.
Kahit buntis, birit kung birit kulot kung kulot ang pag-awit ni sanchez na nakapagpa-antig sa puso ng bawat manonood.
Standing ovation mula sa audience at sa tatlong judges ng kompetisyon kabilang si Simon Cowell ang natanggap ni Sanchez sa kaniyang heavenly performance.
Nakatakdang magharap-harap para sa final round ang anim na finalists sa September 23 para malaman sino na ang susunod na kampeon ng America’s Got Talent.
ADVERTISEMENT
Matatandaang unang sumabak sa AGT stage si Sanchez noong 2005 at American Idol naman noong 2012 kung saan nag trending ang kaniyang heart-felt rendition ng “dance with my father.”
Way to go, Jessica!



