Ganap na ganap!
Suot ang mga amerikana’t kasuotang Pilipino, nag-ikot sa isang mall sa Pasay City ang cast ng historical movie na “Quezon” nitong linggo, September 14.
Nagmistulang totoong miting de avance ang naganap na pag-iikot ng cast ng pelikula na magiliw na nakipagkamay sa publiko na para ba talagang nangangampanya sa halalan.
Pinangunahan ito nina Jericho Rosales na gaganap bilang dating Pang. Manuel L. Quezon, Karylle na bibigyang buhay ang asawa ni MLQ na si Aurora Quezon, Mon Confiado bilang dating Pang. Emilio Aguinaldo, Arron Villaflor bilang ang journalist na si Joven Hernando at marami pang iba.
Kahit maulan, sugod ang fans para masilayan ang cast na nagpasampol pa nga ng eksena tuwing miting de avance gaya ng sagutang Quezon at Aguinaldo na pinalakpakan ng fans.
ADVERTISEMENT
Iikot ang storya ng pelikula sa tagumpay at buhay ni Quezon na sasagot sa tanong na “sino nga ba ang Pilipinas?”
Mapapanood sa mga sinehan nationwide ang pelikula simula October 15 at may discount offers pa para sa mga estudyante at mga guro.



