Muling itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Jay Ruiz bilang acting secretary ng Presidential Communications Office.
Kinumpirma ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin at sinabing nilagdaan ng pangulo ang reappointment nitong Lunes, June 16.
Kabilang si Ruiz sa mga nagsumite ng resignation kasunod ng direktiba ng pangulo na courtesy resignation ng kanyang mga gabinete.