Para mapalakas ang presensya ng Pilipinas sa West Philippine Sea, magdadala ang bansang Japan ng mga destroyer ship sa ating bansa.
Anim na Abukuma-class destroyer escorts ang inaasahang darating sa Pilipinas.
Ang naturang mga destroyer ship ay ginamit ng Japan Maritime Self-Defense Force sa loob ng higit tatlong dekada.
Napagkasunduan nina Japanese Defense Minister Gen Nakatani at Defense Secretary Gilberto Teodoro ang pagpapadala ng mga destroyer ship sa bansa noong nakaraang Hunyo nang magkita ang dalawa sa Singapore.
Nakatakda namang inspeksyunin ng Philippine Navy ang mga sasakyang pandagat ngayong buwan.