Kinilala ng Japan government ang mga Pilipinong healthcare workers sa kanilang bansa sa pagdating ng panibagong batch ng mga nurse at careworker candidates sa ilalim ng Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA).
Ayon kay Japanese ambassador to the Philippines Endo Kazuya sa Preparatory Japanese Language Training (PJLT), ang deployment ng mga healthcare professionals sa Japan ay lalong pinatatatag ng tao sa taong relasyon ng dalawang bansa.
ADVERTISEMENT
Wala rin aniyang duda sa karanasan at compassion ng mga Pinoy; kasama sa pagpapaigting pa nito ang kasanayan sa wikang Hapon.
225 na Pilipino ang sumailalim sa PJLT nang libre, kasama na rito ang pag-aaral ng kultura at social etiquette ng Japan. (Denniel Salayo/News Light)




