Asahan ang pag-ulan sa ilang rehiyon ngayong araw dahil sa epekto ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ), shear line, at northeast monsoon o amihan.
Nakararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Davao Region, SOCCSKSARGEN, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi bunsod ng ITCZ, na maaaring magdulot ng biglaang pagbaha o pagguho ng lupa.
Sa Cagayan Valley at Cordillera, dulot naman ng shear line ang kalat-kalat na pag-ulan at posibleng pagbaha.
ADVERTISEMENT
Apektado rin ng easterlies ang Eastern Visayas, Caraga, Aurora, Quezon at Camarines Norte na may katulad na banta ng malalakas na pag-ulan.
Samantala, mahina hanggang katamtamang hangin at banayad hanggang katamtamang pag-alon ang mararanasan sa karamihan ng bansa, maliban sa Northern Luzon na makararansan ng katamtaman hanggang malakas na amihan.




