Israel, nagsagawa ng genocide sa Gaza strip, ayon sa UN investigators

📅

Iniulat ng United Nations Commission of Inquiry na nagsagawa ang Israel ng genocide o sinadyang pagwasak sa lahi ng mga Palestino sa Gaza.

Ayon sa Commission Chief ng UN investigators, mga mataas na opisyal ng Israel kabilang si Prime Minister Benjamin Netanyahu ang siyang may pananagutan sa mga pagpatay, malawakang pagpapalayas, at pagpapatindi ng gutom sa Gaza.

Batay sa ulat, apat sa lima sa genocidal acts na nakasaad sa 1948 genocide convention ang naitala sa Gaza mula pa noong 2023.

Tinawag naman ng Israel na maling paratang ang mga akusasyon habang patuloy na tumitindi ang pagkundena sa Israel ng international community.