Isang security guard na nagtaray sa isang senior citizen sa Laguna Medical Center, pinangaralan ni Governor Sol Aragones | News Light

📅

Isang security guard ng Laguna Medical Center sa Sta. Cruz, sa bayan ng Sta. Cruz, ang inireklamo ng isang senior citizen sa tanggapan mismo ni Governor Sol Aragones.

Dahil ito sa ginawang pagtataray matapos manghiram lamang ng upuan sa sekyu. Marami na umano itong nasabi, hanggang may umiyak pa sa sobrang higpit nito.

Agad namang ipinatawag ang security guard at ang senior citizen upang magharap sila sa tanggapan ng gobernador. Dito ay inamin ng sekyu ang kanyang pagkakamali, nagpakumbaba, at humingi ng tawad sa kanyang nagawa.

Ayon naman kay Governor Aragones, “Umayos kayo ng pakikipag-usap sa mga pasyente. Huling beses na itong mangyayari sa ospital.”

ADVERTISEMENT

Matapos nga pagharapin ang magkabilang panig na pinangaralan, pinatawad naman ng gobernadora ang security guard sa mali niyang inasal sa pagganap ng tungkulin. (Kevin Pamatmat/News Light)