Nasunog ang isang cargo vessel sa Tondo, Maynila, bandang 7:06 kagabi.
Agad ito inaksyunan ng mga bumbero sa Maynila.
Ayon sa initial report ng Bureau of Fire Protection Manila, habang nakadaong ang barko sa pantalan, sumiklab ang apoy sa engine room ng Meridian Dos Tacloban.
ADVERTISEMENT
Tatlong crew naman ang napabalitang sugatan.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog, ngunit naapula naman ito dakong 8:45 ng gabi. (Austin Gonzaga/News Light)




